Unang beses akong gagawa ng sulatin tungkol sa isang tropa.
Si Kuya Jun ay, bagamat hindi ko lubos na kakilala, ay isang mabuting kaibigan. Hindi marunong magalit. OC siya pero dun mo makikita na napaka sipag netong bata. Siya ang makakausap mo tungkol sa relasyon, pananampalataya, at mga ibang bagay. Siguro dahil halos pareho kami ng pananaw mga bagay bagay.
Katulad ko, lahat ng bagay na gagawin ay idadaan muna sa dasal. Lahat ng desisyon ay hihingi muna ng gabay mula kay Papa God.
Natutuwa lang ako at may ganto pa palang tao. Sobrang bait neto.
Inspirasyon siya sa bawat kabataan at matatanda dahil sa kanyang haba ng pasensya. Hindi ako magtataka kung balang araw e si Pupung Martinez ang sagot sa kahirapan. HAHAHA.
No comments:
Post a Comment